Naantala ang ilang outdoor games ngayong araw sa ginaganap na Provincial Athletic Meet 2017 sa bayan ng Cajidiocan, Romblon.
Ito ay dahil sa masamang panahon at malakas na buhos ng ulan na nararanasan sa lugar simula kaninang umaga.
Ilan sa mga pansamantalang itinigil dahil sa masamang panahon ay ang Sepak Takraw at Volleyball. Samantala, tuloy naman ang laro ng mga indoor games.
Ipinagpatuloy naman ang mga laro nang humupo ang malakas na ulan ngayong hapon.
Paambon-ambon hanggang sa malakas na buhos ng ulan ang nararanasan sa kalakhang Sibuyan Island ngayong araw dahil sa Tail-End of a Cold Front na present sa Southern Luzon.