Opisyal na nagsimula na ngayong araw ang Idioc Festival sa bayan ng Cajidiocan, Romblon.
Sinimulan ito sa pamagitan ng isang parada paikot sa Poblacion kung saan nasaksihan ang magagandang disenyo ng mga float na inikot kasama ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno at mga estudyante.
Ang nasabing parada ay dinaluhan rin ng iba’t ibang Barangay Officials ng bayan ng Cajidiocan.
Ilang mga manonood ang dumayo pa sa Cajidiocan para saksihan ang taunang fiesta kung saan inabangan rin ang pagtatagisan ng galing sa sayaw ng iba’t ibang tribu sa lugar.