Isang bangkay ng lalaki ang natagpuan ng isang residente sa Sitio Punta, Barangay Alegria, bayan ng Corcuera, Romblon kaninang madaling araw.
Ayon kay Romblon Police Provincial Office Spokeperson Sr. Inspector Ledilyn Ambonan, nakatanggap ng tawag ang Corcuera Municipal Police Station galing sa Barangay Alegria nitong madaling araw ng December 01 na di umanoy may natagpuang bangkay ng lalaki sa nabanggit na lugar.
Kinilala ang bangkay na si Rico Fajiculay Famfo, 53 years old, at residente ng Barangay Iligan.
Ayon sa police report, si Famfo di umano’y may sakit sa pag-iisip at mahilig umanong mamasyal sa iba’t ibang pasyalan sa isla.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, wala silang nakikitang foul play sa pagkamatay ni Famfo ngunit hindi rin nila nasabi kung ano ang dahilan nang pagkamatay nito dahil wala umanong available na physician sa Malipayon District Hospital para magsuri sa nasabing bangkay.
Dinala na sa bahay ng kanyang kapatid ang bangkay ni Famfo sa Barangay Ambulong.