Naglinis ang mga tauhan ng Corcuera Municipal Police Station ngayong araw sa isang kalsada sa Sitio Guanon, Barangay San Agustin, Corcuera, Romblon matapos matabunan ito ng gumuhong lupa mula sa bundok.
Ang pagguho ng lupa ay sanhi ng halos dalawang araw na tuloy-tuloy na pag-uulan sa lugar.
Nagkaroon rin ng pagguho ng lupa sa lugar ng Ambulong malapit sa Napocor kaya hindi ito nadaanan ng mga motoristang pauwi sana galing trabaho at eskwela.
Pinayuhan naman sila ni Corcuera LDRRM Office Orlando Fajarillo na gamitin nalang ang ilang alternatibong ruta at iwasan muna ang nasabing kalsada para narin sa kaligtasan ng mga motorista.
{googleads center}