Maliban sa pagsiguro sa katahimikan ng Corcuera, may kakaiba ring misyon ang mga pulis sa bayan ng Corcuera sa Simara Island, Romblon.
Nagtulong-tulong ang mga pulis ng Corcuera Municipal Police Station sa pangunguna ni Police Senior Inspector Kenneth Ding Gutierrez, OIC, kasama ang mga opisyal ng Barangay Ilijan sa pagtatayo ng isang bahay ng isang senior citizen sa lugar.
Ang nasabing bahay ay para kay Lola Nita Fejer, 89-taong gulang, residente ng Sitio Biagas, Barangay Ilijan. Mag-isa nalang sa buhay si Lola Lita matapos mamatay ang kanyang asawa.
Dala rin ng mga pulis ang mga Thatched roofs na gawa sa niyog para gamiting pambubong sa bahay ni Lola Lita.
Nagdala rin sila ng mga tinapay, kape, sabon, radyo, at ilan pang gamit na magagamit ni Lola.
Nagpapasalamat naman ang Corcuera PNP sa mga sponsor nila para magawa ang proyekto nilang pinangalanan nilang ‘Ratsada Pulisya sa Pagbulig sa Kasimanwa sa Isla it Simara’.
{googleads center}