Nanumpa bilang kasapi ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan o PDP-Laban si Corcuera, Romblon Mayor Rachel Bañares kasama ang ilan pang kasapi ng League of Municipalities of the Philippines.
Ginanap ang oath taking ceremony sa Pradera Verda sa Lubao, Pampanga nitong August 01.
Panauhing pandangal sa event ang ilang matataas na opisyal ng PDP-Laban katulad nina Senate President Aquilino Pimentel, at House Speaker Pantaleon Alvarez.
{googleads center}
Nasa pagdiriwang rin si dating Pangulo at ngayo’y Representative ng 2nd District ng Pampanga.
Si Mayor Bañares ay dating kasapi ng Nationalista Party na isa sa mga grupong dominante sa lalawigan ng Romblon noong nakaraang eleksyon.