Dalawang baril na burado na ang mga serial number ang nakuha ng mga tauhan ng palulisya sa isang mag-ama sa bayan ng San Jose sa Carabao Island, Romblon nitong hapon ng August 04.
Ito ay matapos na halughugin ng mga tauhan ng Romblon Criminal Investigation and Detection Group, Police Inteligence Branch Romblon, Regional Inteligence Branch MIMAROPA, Romblon Provincial Public Safety Company, at San Jose Municipal Police Station ang bahay ng mag-ama sa bayan ng San Jose sa bisa ng isang search warrant na inilabas ng Regional Trial Court Branch 82.
Nakuha sa mag-amang suspek na kinilala ng CIDG Romblon na sina Themistocles Emonaga Sulat at Jaipur Capispisan Sulat, ang dalawang .38 revolver na baril at 19 pcs live ammunition ng .38 revolver.
{googleads center}
Ang mga nasabing baril ay walang lisensya at walang kaukulang papeles.
DInala na ang mag-ama sa San Jose Municipal Police Station at nakatakdang kasuhan ng paglabag sa Republic Act 10591 o sa Comprehensive Law on Firearms and Ammunition.