Isang ipo-ipo ang namataan sa dagat malapit sa Poctoy Port sa Odiongan, Romblon mag-aalas 5 kaninang hapon.
Ayon kay Kurt Menez na nakakuha sa video, dumilim umano ang paligid at maya-maya’y nabuo na ang ipo-ipo sa dagat malapit sa isang cargo vessel.
Dahan dahan itong lumapit hanggang sa tumama sa Poctoy Port at malusaw.
Swerte namang walang natamaan sa mga pasahero at Barko na nasa Poctoy Port na paalis na sana patungong Batangas.
Nakaalis rin ang barko kinalaunan.
Masama ang panahong nararanasan sa Romblon nitong Sabado at Linggo, ilang pag-ulan ang naranasan sa probinsya dahil sa thunderstorms at habagat.
{googleads center}