Pansamantala munang ititigil ng Navios Shipping Lines Inc. ang pagbiyahe ng kanilang barko patungong Romblon, Romblon at Cajidiocan, Sibuyan simula Sabado, June 10.
Ayon sa Facebook post ng Navios Shipping Lines Inc., dahil umano ito sa annual drydocking ng kanilang barko.
I-aanunsyo lang umano nila kung kelan ibabalik ang kanilang biyahe sa mga nasabing lugar.
Dahil sa pansamantalng pagtigil ng biyahe ng barko patungong Sibuyan, wala ng barko na magkokonekta sa nasabing isla sa Batangas Port at tanging barko nalamang na galing Lucena ang dumadaong sa isla.