Opisyal nang nagsimula ngayong araw, April 24, ang mga aktbidad para sa taunang selebrasyon ng ‘Festividad De Las Cabras’ sa bayan ng Corcuera sa Simara Island, Romblon.
Sinimulana ang selebrasyon ng fiesta sa pamamagitan ng isang community parade kaninang umaga na nilahukan ng iba’t ibang opisyal ng lokal na pamahalaan ng Corcuera kasama sina Mayor Rachel Bañares at Vice Mayor Elmer Fruelda.
Sumama rin sa parada ang mga manlalaro ng bawat barangay na maghaharap para sa Inter-Barangay Basketball Tournament 2017 na pamumunuan ng mga referress na miyembro ng Samahang Basketbol ng Pilipinas o SBP.
Ayon sa munisipyo ng Corcuera, ang Festividad De Las Cabras ay magtatagal hanggang May 01.