Sumuko kay Atty. Erwin Fortunato at sa mga tauhan ng Romblon Provincial Intellegence Branch, Romblon Public Safety Company, San Jose Municipal Police Station at Highway Patrol Group – Romblon ang number one most wanted person ng bayan ng San Jose, Romblon na si Roland Zacarias, 48-taong gulang at residente ng Barangay Pinamihagan, San Jose, Romblon.
May kaso si Zacarias na 3 counts of rape sa Regional Trial Court Branch 82, Odiongan, Romblon.
{googleads right}
Halos dalawang taon ring nagtago si Zacarias magmula ng ilabas ng korte ang warrant of arrest para sa kanya noong November 2015.
Ayon sa awtoridad, kinasuhan si Zacarias kasama ang 3 pang tao dahil umano sa panghahalay sa kanyang isang babae magmula noong ito ay anim na taong gulang palang.
Itinanggi ni Zacarias ang paratang at susuko siya para uamno malinis ang kanyang pangalan.
Nakatakdang iharap sa korte sa Odiongan, Romblon si Zacarias. Walang pyansa ang kaso ni Magallanes.