Arestado sa bayan ng Cajidiocan, Sibuyan Island, Romblon nitong March 11 ang isang lalaki na wanted sa 2-counts ng kasong rape at 1-conts ng kasong Acts of Lasciviousness in relation of Child Abuse Law (RA. 7610).
Naaresto sa bahay niya sa Barangay Sugod, Cajidiocan, Romblon, ang suspek na kinilalang si Eduardo Balbino Rollon, 51 years old, married, construction worker.
Ayon sa Cajidiocan Municipal Police Station, February 27 ng ilabas ng Regional Trial Court Branch 81 ang warrant of arrest sa tatlong kaso para kay Rollon.
{googleads right}
Walang pyansa ang mga kaso ni Rollon ayon sa warrant of arrest. Nakatakdang ibyahe si Rollon papuntang Romblon, Romblon para iharap sa korte.