Umabot sa mahigit 1,000 katao ang inilikas sa tatlong Island municipalities sa silangang bahagi ng Romblon.
Base sa pinaka latest na report ng Office of the Civil Defense MIMAROPA, umabot na sa 269 na pamilya ang inilikas sa mga evacuation centers o katumba ng 1005 katao.
Sa bayan ng Corcuera ang may pinakamaraming inilikas na umabot sa 93 pamilya sa anim na barangay; habang sa Concepcion naman ay 44 na pamilya sa 4 na barangay. Sa bayan ng Banton umabot na sa 132 pamilya sa 4 na barangay.
Base naman sa report ni Joseph Gutierrez, may mga inilikas na rin sa Barangay Mabini sa bayan ng San Fernando, Sibuyan Island, Romblon dahil parin sa banta ng landslide. Umabot sa 23 pamilya ang inilikas at dinala sila sa barangay hall at sa isang day care center.