Ilang aktibidad ng Cajidiocan Town Fiesta ang binago ngayong 2016 dahil sa dumaang bagyong #NinaPH nitong araw ng pasko.
Ayon kay Sanguniang Bayan member Marvin Greggy Ramos, ang December 28 ang Civic Parade at ang Miss Cajidiocan; habang December 29 naman ang Idioc Festival at Miss Sibuyan.
December 30 naman ang Ms. Gay International na inaasahang magpapasaya sa mga manonood.
Ang ilan namang pauwi ng Sibuyan Island para sa nasabing fiesta at para na rin doon salubungin ang bagong taon ang pahirapan parin sa pagkuha ng ticket sa Batangas Port.
Ilan sa kanila ay pinili nalang na dumaan ng Romblon Port o Odiongan Port para lang makasakay ng barko.