Naperwisyo rin ng mala-tuhod na baha ang ilang residente ng dalawang barangay sa bayan ng Corcuera sa isla ng Simara sa Romblon ngayong umaga dahil parin sa walang tigil na buhos ng ulan.
Ayon kay Mayor Rachel Bañares, umapaw ang ilang creek sa mga Barangay ng Guintiguiban at Mabini.
Pahirapan ang mga estudyanteng papasok sa Mabini National High School dahil sa bahang kalsada.
Madaling araw pa umano nagsisimulang umulan ng malakas sa lugar hanggang ngayon. Patuloy naman ang kanilang pag monitor sa sitwasyon sa lugar para sa maaring lanslide at baha pang idudulot ng pag-uulan.