Matapos ang ilang buwan matapos na maibalita ng Romblon News Network na nasira ang pantalan ng Corcuera at nagkaroon ng malaking crack, tuluyan na itong bumigay at nahati nito lamang nakaraang araw matapos na manalasa ang habagat na pinalakas ng bagyong Karen.
Ayon kay Bernie Fallurin, malakas ang naranasang alon sa Simara Island nitong nakaraang araw.
Bumigay na umano at lumubog ang nahating bahagi ng pantalan.
Sa ngayon nagagamit parin naman umano ang pantalan.
Wala pa namang pahayag ang opisina ng Department of Transportation at local government ng Corcuera kaugnay rito.