Nakuhaan ng pulisya ng sandamakmak na bala ng baril at iligal na droga ang isang Barangay Captain sa bayan ng Cajidiocan kahapon, October 20.
Sa isinagawang search warrant operation ng pinagsamang pwersa ng Cajidiocan Municipal Police Station, PDEA 4B, Provincial Intelligence Branch ng Romblon Police Provincial Office, San Fernando MPS at Provincial Public Safety Company, nakuha sa suspek ang aabot sa 47 piraso ng bala ng 9mm pistol, 17 piraso ng bala ng 45mm pistol, at 13 sachets na may lamang hinihinalang shabu.
Kinilala ng pulisya ang Barangay Captain na si Domingo Relox Rotoni, 45 years old, ng Barangay Lico ng nasabing bayan.
Nakakulong na ngayon ang suspek at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.
Hindi pa siya nagbibigay ng pahayag.