Patok at atraksyon ngayon sa bayan ng Corcuera, Romblon lalo na sa mga residente dito ang napakahabang bunga ng saging.
Isang saging na napakahaba ang bunga ang tumubo sa Barangay Gobon, Corcuera, Romblon.
Tinawag na ito sa lugar na Wishing Banana dahil sa kakaibang klase ng pagbunga nito.
Ayon sa may-ari ng puno na si Marcial Fajarillo, aabot sa mahigit 7 feet ang haba ng nasabing bunga.
Dahil sa sobrang haba nito at bigat, nilagyan na ng kawayan ang puno ng saging para lamang aalalayin itong hindi mabali.
Masaya naman ang may-ari ng puno, dahil madaming bumibisita sa lugar niya para lang makita ang sinasabing wishing banana.