Sinimulan ng gibain ang lumang gusali ng Romblon Provincial Hospital sa bayan ng Odiongan bilang daan sa Phase III project ng Department of Health’s (DOH) Health Facilities Enhancement Program (HFEP).
Matatandaang taong 2010 sinimulang pagandahin at dagdagan ng bagong gusali ang Romblon Provincial Hospital. Binigyan ito ng P138,243,162.27 budget para sa Phase I ng proyekto.
Taong 2012 ng simulan ang phase II at binigyan ito ng P118,499,301 at P140,000,000 na budget.
Inaasahang magiging modernize na ang RPH pagkatapos ang Phase III ng pagpapaganda sa Ospital na pinakikinabangan ng lahat ng Romblomanon.
Nitong nakaraang buwan, pinagamit na sa publiko ang bagong CT Scan ng Romblon Provincial Hospital.
































