Inaasahang magtatayo isang mix-use complex building ang St. Vincent Cooperative sa bayan ng Cajidiocan sa Isla ng Sibuyan Island sa mga susunod na buwan.
Ayon sa nakuhang impormasyon ng Romblon News Network, ang nasabing complex building ay lalagyan ng bank, convenient store, at mini-hotel.
Inaasahang makakapag-improve ito sa mga business activity sa nasabing bayan, gayun na rin sa buong Isla ng Sibuyan.
Magandang tulong rin ang pagtatayo ng mini-hotel sa lugar lalo pa ngayon at unti-unti ng dumadami ang mga balik-bayan at turistang bumibisita sa mga tourist spot ng isla.