Ligtas na ang 17 pasahero at 7 crew ng M/B Corcuera Liner na biyaheng Simara galing Mindoro matapos masiraan bandang ala-una ng hapon kanina.
Sa ulat ni Emmanuel Eranes ng Radyo Natin Odiongan, sinabi nitong nahila agad ang bangka dahil sa aksyon ni Mayor Rachel Bañares ng bayan ng Corcuera na ipinadala ang bangkang M/B Bañares.
Ayon sa mga crew ng bangka, nasira ang Transimission ng makina ng bangka kaya tumigil ito sa gitna.
May dala ring 80 sako ng bigas ang bangka.
Alas-5 na nakarating ng ligtas ang bangka sa pantalan ng Corcuera.