by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Tuesday, 03 May 2016
Pumanaw na sa edad na 97 nitong April 27 ang isa sa mga bayani noong World War II na si Ignacio “Igna” Rase Mortel.
Isa si Mortel sa mga bayaning Pilipino na nangaling sa probinsya ng Romblon na walang habas na lumaban sa mga kalaban noong World War II.
Nitong nakaraang taon, pinarangalan pa si Mortel bilang pagkilala sa kanyang katatagan noong panahon ng gyera.
Si Mortel ay kasalukuyang nakaburol sa kanyang bayan sa Sibuyan Island at nakatandang dalhin sa Libingan ng mga Bayani sa Metro Manila sa Miyerkules upang doon ilibing.