by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Thursday, 25 February 2016
Nadakip ng mga tauhan ng Cajidiocan Municipal Police Station ang ika-7 sa mga most wanted person ng Cajidiocan, kahapon sa Barangay Gutivan sa parehong bayan nitong Martes ng madaling araw.
Ayon sa Cajidiocan MPS, may natanggap umano silang tip na namataan sa nasabing barangay si Romel Rayos Rivero, 32 taong gulang, at may kasong rape noong 2014 sa RTC Branch 81, Romblon, Romblon sa Case Number 3419.
Agad naman umanong nagsagawa ng operation lambat-sibat sina PO3 Rey R Hornopia at PO2 Junar DV Gabilo ng CJMPS sa pangunguna ng kanilang hepe na si Police Inspector Elmer Fajel.
Nahirapan pa umano ang mga tauhan ng MPS sa pagdakip kay Alyas Omel dahil malayo ang bahay nito at kinailangan pang tumawid ng ilog patungo sa kanilang Sitio.
Nakakulong na ngayong si Rivero sa Romblon Provincial Jail.
Wala siyang piyansa.