by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Tuesday, 05 January 2016
57 na piraso ng iba’t ibang laki ng illegal na troso na aabot sa 800 board feet ang nasabat ng mga tauhan ng Department of Environment and National Resources kasama ang mga tauhan ng San Fernando Municipal Police Station.
Ayon PO3 Ruallo ng San Fernando MPS, inabanduna na umano ang mga trosong kahoy nang kanilang maabutan sa Barangay España, San Fernando, Romblon.
Ayon naman kay Forester Ludwin Ruado, aabot sa P19,000.00 ang halaga ng mga trosong kahoy na nasabat ng grupo.
Dati na umanong talamak ang pagpuputol ng mga illegal na troso sa nasabing bayan.