by Paolo Mendoza, Romblon News | Tuesday, 19 January 2016
Inanunsyo na ng pamunuan ng Deparment of Education (DepEd) School Divison Office – Romblon ang araw ng pagsisimula ng enrollment para sa taong 2016-2017.
Batay sa resolusyon na pirmado ni School’s Division Superintendent Roger Capa, sa January 30 ang araw nagpagsisimula ng early enrollment para sa mga pampublikong elementarya at high schools sa buong lalawigan para mapagbigyan ang lahat ng gustong mag-enroll at mag-aral.
Ayon kay SDS Capa ng makapanayan ng Romblon News nitong Martes, sinabi niyang tanging birth certificate lamang ang kailangang dalhin ng mga mag-eenroll sa January 30.
Sinabi rin ni Capa na sinisimulan na ng 21 public schools at 5 private schools sa lalawigan na mag-oofer ng Senior High School ang FY 2016-2017.
Patuloy umano nag pagpapatayo ng mga bagong silid-aralan sa ilang implementing schools at susunod na sa ilang linggo ang pag-hire ng mga bagong guro na magtuturo.