by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Wednesday, 14 October 2015
Stranded sa pantalan ng Romblon, Romblon ang mga pasahero ng barkong St. Augustine of Hippo ng 2Go Travel matapos masiraan habang nakadaong sa nasabing pantalan kagabi.
Ayon sa pinadalang mensahe ng ilang mga nakasakay sa barko na patungo sanang Cebu City at Ormoc City, kinausap umano sila ng kapitan ng barko na may sira ang sinakyan nila kaya hindi pinayagan ng Philippine Coast Guard na umalis ng pantalan.
Sinabi naman ng pamunuan ng 2Go Travel sa Romblon News na ililipat ang mga pasahero ng 2Go Travel sa ibang barko upang maituloy ang kanilang paglalayag.