by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Thursday, 01 October 2015
Pormal nang sinampahan ng kasong murder ni Lerma Ramos, kapatid ni Margilito Faderagao, ang mga lalakeng suspek di umano sa pagpatay sa kanyang kapatid.
Matatandaang naiulat ng Romblon News nitong Agosto ang biglaang pagkawala ni Faderagao nang siya ay pumunta sa isang sayawan sa Barangay Colong-Colong.
Pormal itong isinampa sa Romblon Provincial Prosecutor Office with docket number IV-10-IV-151-1087.
Ang mga suspek ay kinilala ng isang eyewitness na nakasaksi di umano sa nangyaring krimen.
Patuloy naman na kinukuhaan ng Romblon News ng pahayag ang pamilya ni Faderagao gayun na rin ang mga sinampahan ng kaso.
Note: Sadyang itinago ng Romblon News ang mga pangalan ng suspek base na rin sa advice ng PNP.