by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Sunday, 11 October 2015
Nakilala na ng mga awtoridad ang napaslang na lalakeng nang-hostage ng isang estudyante sa Taft Avenue sa Manila noong October 08.
Ang nasabing lalake ay kinilala ni Oliver Pineda na kanyang kapatid na si Ivan John Pineda residente ng San Fernando, Romblon at naninirahan sa Tondo, Manila.
Ayon kay Oliver hindi umano magnanakaw si Ivan John at sinabi ring wala itong criminal record.
“He was a good man.” ayon kay Oliver na huling nakita ang kanyang kapatid noong nakaraang taon.
Nalaman lang umano ni Oliver na kapatid niya ang suspek matapos makatanggap ng mensahe sa kanyang Facebook account galing sa kanyang pinsan.
Pinapapunta umano siya sa Manila upang tingnan kung si Ivan John ba at yung hostage taker ay iisa.
Sinabi naman ni Oliver na gusto niya na sanang kunin ang katawan ng kanyang kapatid sa Funeral Floresco sa Paco, Manila ngunit wala umano siyang pera dahil tanging pagtitinda lamang ang kanyang trabaho.