by Paul Jaysent Fos, RomblonNews | Saturday, 12 September 2015
Patuloy na pinaghahanap ng awtoridad ang driver ng isang ‘garung’ o tricycle na nakasagi sa isang kotse kaninang umaga sa Barangay Poctoy sa Odiongan, Romblon.
Ayon sa kwento ng mga nakasaksi, mabagal umano ang patakbo ng nasabing kotse nang bigla umanong dumating ang ‘garung’ at sumagi sa sasakyan.
Nawasak naman ang ilang salamin ng kotse dahil sa aksidente.
Sa litrato na kuha ni Mr. Andrew Famero na ibinahagi sa Romblon News, makikita ang ilang basag na salamin na nagkalat sa kalsada dahil sa aksidente.
Matagal ng problema sa bayan ang mga walang lisensyang mga driver ng tribike at ‘garung’ na hanggang ngayong hindi parin nagagawan ng paraan ng mga awtoridad.