Pinasinayaan ang bagong 405-meter concreted road sa Sitio Dumrog, Barangay Poblacion, Looc, Romblon na naglalayong mapabuti ang access at transportasyon ng mga residente sa lugar.
Isinagawa ang proyekto sa pamamagitan ng Local Government Unit (LGU) of Looc at Department of the Interior and Local Government (DILG), matapos maging benepisyaryo ang munisipyo ng programa sa ilalim ng Seal of Good Local Governance (SGLG) noong 2025.
Sa kabuuang 405 metro ng konkretong kalsada, 320 metro ang pinondohan ng LGU Looc habang 85 metro naman ang mula sa pondo ng DILG.
Ayon kay Mayor Atty. Lisette M. Arboleda, ang pagkamit ng SGLG ay resulta ng patuloy na pagsisikap at paglilingkod ng lokal na pamahalaan para sa mga residente ng Looc.
Naging bahagi rin ng pagsasakatuparan ng proyekto ang Buhat Family at Merque Family, na nag-donate ng lupang pinagdausan ng bahagi ng road project.
Dumalo sa inauguration sina DILG Regional Director Rey S. Maranan at DILG Provincial Director German F. Yap, kasama ang iba pang kinatawan ng pamahalaan.
Kabilang din sa mga dumalo sina Vice Mayor Bong Osorio, Sangguniang Bayan Members Jimwel Soriano at Benjie Galindez, Engineer Genecris Lachica, at mga barangay official ng Poblacion.
Inaasahang makatutulong ang bagong konkretong daan sa pagpapadali ng pag-access at transportasyon ng mga residente ng Sitio Dumrog at mga karatig na lugar.


























