Arestado ang isang lalaki mula sa Barangay Libertad sa ikinasang anti-illegal drug buy-bust operation ng pulisya kagabi, July 10, sa Barangay Tuburan.
Kinilala ng pulisya ang suspek sa alyas na John. Ayon sa ulat ng pulisya, nabilhan umano siya ng isang sachet ng pinaghihinalaang shabu sa halagang ₱500 ng isang operatibang nagpanggap bilang buyer.
Bukod sa nabentang sachet, nakumpiska rin umano sa suspek ang tatlong karagdagang sachet na pinaghihinalaang may lamang shabu.
Nasa kustodiya na ng Odiongan Municipal Police Station ang suspek para sa kaukulang disposisyon at pagsasampa ng kaso.
Ang operasyon ay pinangunahan ng Odiongan MPS bilang lead unit.


































