Inanunsyo ng Food and Drug Administration (FDA) na hindi na kailangan ang purchase booklet para makuha ng mga senior citizen ang 20 porsyentong diskwento sa gamot at medical devices.
Alinsunod ito sa bagong patakaran ng Department of Health (DOH) at sa Expanded Senior Citizens Act of 2010.
Ayon sa FDA, sapat na ang pagpapakita ng senior citizen ID o anumang valid ID na magpapatunay na Pilipino ang benepisyaryo, kalakip ang reseta mula sa doktor.
Gayunman, nilinaw ng ahensya na ang diskwento ay maaari lamang gamitin sa mga gamot at medical services na aprubado ng FDA.



































