Binigyan ng special day off ng lokal na pamahalaan ng Odiongan ang lahat ng empleyadong babae sa LGU bilang pagkilala sa kanilang ambag sa lipunan.
Ayon sa isang memorandum order na lumabas mula sa opisina ni Odiongan Mayor Trina Firmalo-Fabic, walang pasok ang lahat ng babae na nagtatrabaho sa LGU sa darating na March 15. Tinawag nila itong “Juana Day Off”.
“This day serves as a token of appreciation for the dedication and hard work of our female colleagues and for LGU women to access services, resources, and activities that they cannot otherwise conduct during work days,” bahagi ng memorandum ng alkalde.