Pasado na sa Sangguniang Bayan ng Odiongan ang pagdedeklara ng 25-year moratorium para sa mga large-scale metalic mining sa bayan ng Odiongan, Romblon.
Sa panayam ngayong hapon ng PIA Romblon kay SB Jack Fernandez, chairman ng Committee on Environment ng Sangguniang Bayan ng Odiongan, sinabi nito na ang bagong ordinansa ay tugon sa hinaing ng mga residente ng bayan harangin ang banta ng mina sa lugar.
“May mga pending application sa Odiongan katulad sa palladium, at ‘yun yung glamor na baka mabuhay kaya nagpasa tayo ng ordinance para pigilan ito,” ayon kay Fernandez.
Ang moratorium ay pipigil sa lokal na pamahalaan na magbigay ng permit sa mga application ng large-scale metallic mining sa bayan.
Dagdag ni Fernandez, suportado ng lahat ng Sangguniang Bayan ang ordinansa maging ni Odiongan Mayor Trina Firmalo-Fabic.


































