Dalawang miyembro ng Communist Party of the Philippines–New People’s Army (CPP-NPA) Terrorist group ang sumuko sa mga pulis sa bayan ng Romblon, Romblon nitong hapon ng Miyerkules, June 28.
Sina alyas Boy at alyas Ronron ay pawang mga lider ng KLG MAV ng Southern Tagalog Regional Party Committee’s Sub-Regional Military Area 4D at pawang nakabase sa Bulalacao, Oriental Mindoro.
Dumayo pa ang dalawa sa bayan ng Romblon, Romblon para personal na sumuko sa mga tauhan ng PIT Romblon.
Ayon sa Romblon Police Provincial Office, noongAbril pa nakikipag negosasyon ang PIT Romblon sa dalawang CNT members para sa kanilang pagsuko.
Hawak na ngayon ang dalawa ng PIT Romblon at Regional Intellegince Unit ng Mimaropa PNP para sa custodial debriefing at documentation.