Tatlong wanted sa magkakaibang kaso ang naaresto ng mga tauhan kapulisan sa magkakahiwalay na operasyon nitong nakalipas na mga araw.
Kabilang sa naaresto ay ang 48-anyos na lalaki sa Barangay Poblacion, San Fernando, Romblon na wanted dahil sa Acts of Lasciviousness sa ilalim ng Revised Penal Code. Ayon sa pulisya, may piyansa itong P200,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Naaresto rin ng mga tauhan ng Romblon Municipal Police Station ang isang lalaki ng wanted naman sa tatlong counts ng Slight Physical Injuries na may kaugnayan sa Republic Act 7610 o ang Special Protection of Children against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act.
Kabilang rin sa naaresto ang isang 24-anyos na lalaki na residente ng San Agustin, Romblon dahil naman sa non-bailable case na Statutory Rape.