Tumaob ang isang bangkang ginagamit sa pag-island hopping sa Bonbon Beach nitong hapon ng Sabado de Gloria, April 8.
Lulan nito ang may 13 pasahero at crew ng bangka.
Sa ulat ng Coast Guard Station Romblon, ang bangka ay tumaob 100 metro mula sa shorline ng Bonbon Beach dahil sa malalakas na alon sa lugar.
Agad namang nagsagawa ng rescue operation ang Beach Patrol Team ng Coast Guard Station Romblon.
Ligtas na nadala ng pampang ang lahat ng mga pasahero at natulungan rin ng mga kapwa beach goers. Wala ring nasugatan sa mga ito.