Nakunan ng CCTV camera sa Perca Cockpit Arena noong Sabado ang takbuhan ng mga taong nanonood ng derby matapos makarinig ng putok ng baril sa gitna ng palaro.
Ayon sa incident report ng pulisya, bandang 3:20 ng hapon nang Sabado nang mangyari ang sinasabing accidental firing.
Sinabi sa ulat na habang binibigay umano ng security ni Sangguniang Panlalawigan member Jun Bernardo ang bag nito sa huli, nabitawan umano ng security ang bag ngunit nang subukang saluhin ni SP Bernardo ay bigla napindot umano nito ang trigger dahilan ng pagputok nito.
Tumama ang bala sa paa ng security na nag-abot sa kanya ng bag dahilan upang isugod ito sa ospital.
Sinabi rin sa report ng pulisya na hindi magsasampa ng kaso ang security guard laban kay SP Bernardo dahil aksidente ang nangyari.
Panoorin rito ang video: