Pansamantala munang isinara sa publiko ang sikat na Bonbon Beach sa bayan ng Romblon, Romblon alinsunod sa Executive Order No. 30-2022 na inilabas ni Mayor Gerard Montojo.
Nagsimula ang closure kahapon, July 4, at magtatagal hanggang sa katapusan ng Agosto.
Paliwanag ni Montojo, ang pagpapasara nila sa sikat na pasyalan ay para sa malawakang clean-up drive na isasagawa ng lokal na pamahalaan at mga environmentalist sa nasabing beach.
Panahon rin umano munang pagpahingahin ang lugar sa dagsa ng mga tao.
Sa muling pagbubukas nito, asahan na ang pagkakaroon ng mag maasyos na pamamahala sa Bonbon Beach at pagkakaroon rin ng fee sa mga gustong pumasok.