Naiproklama na ng provincial board of canvassers ang mga grupo ni Governor Jose Riano matapos masungkit ang lahat ng matataas na posisyon sa lalawigan nitong nakaraang eleksyon.
Si Riano ay nanalo kontra sa dating gobernador ng lalawigan na si Dr. Eduardo Firmalo matapos manalo sa 13 na bayan sa lalawigan. Tanging sa mga bayan lang ng Odiongan, Ferrol at Santa Fe nanalo si Firmalo.
Sa pagka-bise Gobernador naman ay nanalo si Arming Gutierrez na papalitan ang natalong si incumbent Vice Governor Felix Ylagan.
Landslide naman ang lamang ng panalo ni reelectionist Congressman Eleandro Madrona kontra sa mamahayag na si Joey Venancio.
Sa unofficial count ng transparency server ng Comelec, may 128,996 votes ang napunta kay Madrona at tanging 29,898 lamang ang boto na napunta kay Venancio.
Sa Sangguniang Panlalawigan naman ay naiproklama na rin sina Jun Bernardo, Nene Solis, Rachel Banares, at Guds Mortel sa first district samantalang sina Jojo Beltran, Doc Boy Maravilla, Fred Dorado at DJ Bing Solis ang nanalo sa second district.


































