Naghain ng election protest ang natalong kandidato noong eleksyon sa pagka-alkalde ng Odiongan na si incumbent SB Michael Arevalo laban kay Mayor Trina Firmalo-Fabic.
Kahapon naghain ng protesta si Arevalo sa Regional Trial Court Branch 82 sa Odiongan, Romblon.
Ayon sa election protest, maraming iregularidad sa katatapos lang na election katulad umano ng mga depektibong VCMs at hindi nabasang balota.
Sa isang pahayag, sinabi ni Fabic na ginagalang niya ang protesta pero hindi umano kaila na mahigit 7,000 ang lamang nito sa natalong kandidato.