Aabot na sa 24 na public schools sa probinsya ng Romblon ang nagpapatupad na ng limited face to face classes.
Ito ang iniulat ng Department of Education Mimaropa sa ginanap na EduAKSYON press conference nitong Martes, April 12.
Bahagi lamang ito ng 283 na public at private schools sa rehiyon na nagpapatupad na ng limited face to face classes.
Pinakamaraming paaralan ang nagpapatupad ng limited face to face classes ay sa Marinduque na may 109 public at 2 private schools, sinundan ng Palawan na may 65 public at 7 private schools.
34 na public schools naman sa Oriental Mindoro ang nagpapatupad ng limited face to face classes at 16 public schools sa Occidental Mindoro.
Sa mga siyudad naman ng Puerto Princesa at Calapan ay may 26 public at private schools na ang nagpapatupad ng limited face to face classes.
Ang nasabing press conference ay dinaluhan ng kalihim ng DepEd na si Kalihim Leonor Magtolis Briones kung saan natalakay rin ang mga pinakahuling ulat tungkol sa BIDA Kid Roll-Out, End-of-School Year Rites, SHS Success Stories, at Early Registration.