Simula ngayong araw ay kailangan na lahat ng papasok ng probinsya ng Romblon mula sa labas ng probinsya na magpakita ng negatibong resulta ng rapid antigen test na nakuha 12 hours bago bumiyahe.
Ito ay batay sa bagong executive order na inilabas ni Governor Jose Riano para maiwasan ang pagkalat ng Covid-19 sa probinsya.
Ang lahat rin ng lokal na pamahalaan sa probinsya ay inatasang gawing requirement ang paggamit ng SPASS.
Para naman sa inter-municipality movement, ang lahat ng fully-vaccinated ay papayagang makatawid sa iba’t ibang munisipyo basta magpapakita lamang ng vaccination card habang ang mga unvaccinated o hindi pa fully-vaccinatd ay papayagan lamang kung ito ay emergency reasons.
Hinihikayat rin ng gobernador ang mga LGU na magpasa ng ordinasa na maglilimita sa galaw ng mga unvaccinated individuals.
Ang nasabing mga kautusan ay magiging epektibo mula January 11 hanggang January 25 lamang maliban kung ito ay papahabain ng gobernador base na rin sa rekomendasyon ng Provincial IATF.