Umabot sa 13 katao ang bilang ng mga nasangkot sa aksidente sa motorsiklo sa buong probinsya ng Romblon. Ito ay base sa talaan na ibinigay sa Philippine Information Agency – Romblon ng Provincial DOH Office sa lalawigan.
Ayon kay Ralph Falculan ng PDOHO-Romblon, sa 13 na bilang na ito, 9 ay isinugod sa Romblon Provincial Hospital.
Wala namang naiulat nasawi sa mga ito.
Mas marami ito sa bilang ng mga nasagutan dahil sa pagpaputok ng firecrackers noong salabuong sa bagong taon, kung saan umabot lamang sa isa ang naitalang insidente.