Kabilang si Romblon Congressman Eleandro Madrona sa mga kongresista na inimbetahan sa isang dinner meeting kasama si President Rodrigo Duterte sa Malacanang noong November 16.
Sa nasabing pagpupulong ay inindurso ni Pangulong Duterte ang tambalang Bong Go-Sara Duterte tandem para sa 2022 election.
Ayon kay DIWA Partylist Rep. Michael Aglipay, lahat ng dumalong kongresista sa nasabing pagpupulong ay suportado ang kandidatura ni Go at Duterte kasama si Speaker Lord Allan Jay Velasco ng Marinduque.
“Si Pangulo, mabilis lang nagsalita, na ang ine-endorse ang Bong Go-Sara Duterte tandem,” ayon kay Aglipay.
Si Senator Bong Go ay tumatakbo sa ilalim ng Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan (PDDS) habang si Mayor Sarah Duterte-Carpio ay tumatakbo sa ilalim ng Lakas-CMD.
Nauna ng sinabi ni Mayor Duterte na si presidential aspirant Bongbong Marcos ang magiging katambal nito sa 2022 elections.