Arestado sa Dasmariñas sa Cavite ang itinuturing ng Santa Fe Municipal Police Station na Top 3 Most Wanted person.
Kinilala itong si Limuel Maligo Ravelo, 54 anyos, at residente ng Barangay Tabugon.
Ayon sa ulat ng Romblon Police Provincial Office, tanghali ng March 1 nang maaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court Branch 82.
Kasong rape ang kinakaharap ng suspek.
Pansamantalang nakapiit si Limuel Ravelo sa Dasmarinas City Police Station habang inihahanda ang pag biyahe sa kanya pabalik ng Romblon.
Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.