Limampu’t Apat (54) na may kapansanan o PWD sa bayan ng Ferrol, Romblon ang nakatanggap ng social pension mula sa pamahalaang panlalawigan ng Romblon kamakailan.
Ito ay nag kakahalaga ng P1,500 para sa mga buwan ng Oktubre, Nobyembre, at Disyembre ng taong 2020.
Maliban sa Ferrol, ilang PWD rin sa bayan ng Alcantara, San Andres, Ferrol, Looc at Santa Fe ang nakatanggap bago matapos ang nakaraang taon.
Samantala, dalawampung (20) estudyante rin sa Carabao Island ang nakatanggap ng biyaya sa ilalim ng Education Assistance Program ng lalawigan.
Ang nasabing Education Assistance Program ay para sa tinatawag na poorest of the poor. P2000 ang matatangap ng elementary pupil, P3000 pag hayskul at P4000 naman kapag nasa kolehiyo.