Dumaong ngayong umaga ang barko ng Starhorse Shipping Lines sa pantalan sa Corcuera, Simara Island, Romblon upang magsagawa ng test dock sa kanilang pantalan.
Ito ay bahagi ng paghahanda ng kompanya sa kanilang planong pagkakaroon ng ruta patungo sa isla.
Sinalubong sila ni Vice Mayor Apple Fondevilla.
Naging maayos naman ang naganap test dock ng nasabing barko sa pantalan at inaasahang sa susunod na mga linggo ay iaanunsyo ng kompanya ang kanilang desisyon.
Sa pagbubukas ng ruta ng barko, inaasahan ang malaking oportunidad sa negosyo, turismo na dahan dahang magpapaangat sa ekonomiya ng bayan.
Samantala, upang masiguro paring ligtas sa coronavirus disease 2019 ang isla, ang mga kawani ng PCG, PNP, at mga taga-RHU ay inobserbahan ang tamang security at health protocol sa pantalan.