Pumirma kahapon, May 17, sa isang Memorandum of Understanding (MOU) ang Romblon Police Provincial Office, Police Regional Office 6, at Local Government Unit ng San Jose para sa Boracay-San Jose Joint Security Cooperation.
Pinangunahan ang signing nina San Jose, Romblon Mayor Ronnie Samson, Romblon Police Provincial Office Director SSupt. Leo Quevedo, at ni PRO6 DRDO SSupt. Jesus Cambay.
Layunin ng MOU na mas mapaigting ang security cooperation ng dalawang isla lalo na pagdating sa panghuhuli ng mga krimenal at paglutas ng krimen.
Nangako naman ang mga tauhan ng San Jose Municipal Police Station na kanilang papaigtingin ang pagbabantay sa kanilang mga pantalan at nasasakupan para walang makalusot na gustong pumasok sa isla ng Boracay.
Samantala, nangako naman ang Metro Boracay Task Force na kanilang ipro-promote sa kanilang mga turista ang isla ng Carabao Island.