by Chelsea Lilang, Romblon News | Friday, 09 October 2015
Dead on arrival sa Romblon Provincial Hospital si Wilfredo Bartolome matapos masaksak sa tiyan ng kanyang kaalitan sa lupa na si Joey Formento.
Ayon sa imbestigasyon ng Odiongan Municipal Police Station, pasado alas-3 umano ngayong hapon nang magtalo si Bartolome at Formento sa kanilang pinag-aagawang lupa sa Barangay Progresso Este sa bayan ng Odiongan.
Kwento naman ng suspek, habang nagtatalo umano sila ni Bartolome ay bigla umanong sinunggaban ng biktima ang dalang sundang ni Formento at tangka sanang sasaksakin siya ngunit na nakuha niya umano ito naitapon ngunit nabigla siya dahil may dala palang kotselyo si Bartolome. Kinuha ito ni Formento at tangka sanang itatapon ng matamaan ang biktima sa tiyan na siyang ikinagalit pa lalo ng biktima.
Nag-amok ang dalawa hanggat masaksak ulit si Bartolome sa tiyan.
Ayon kay Police Inspector Manuel Fernadez, Deputy Chief ng Odiongan Municipal Police Station, nagtamo rin ang biktima ng saksak sa likod na tumagos sa kanyang tiyan.
Pahayag pa ni Formento, matagal na umano silang may alitan ng biktima. Minsan umano sinusugod siya ni Bartolome sa kanilang bahay kapag lasing at pinagtatalunan ang lupang kanilang pinag-aawayan.
Nakakulong na ngayon ang suspek sa Odiongan Municipal Police Station at maaring maharap sa kasong homicide.